Busy monday!
Ang aga ko kanina.. Hindi ako late sa EC3 lab ko! Wla naman akong ginawa buong maghapon kundi magaral at magturo... Boring na talaga.. Buti nalang at may mga studyante na kahit papano eh nakakakwentuhan mo at nakakalimutan mong nagtatrabaho ka.
Si Mark Aguilar at Michael Timbal bagong gupit. Birthday ni Mark Buella. Naka-pink pa ha.. Si Liway ang agang badTrip kasi walang gawang experiment sa EC3. Si Narcell nakarecover na sa masamang araw nya nung friday.. Si Haji ganun parin, parang may hang-over lagi.. OK naman yung iba.. Ang dami naman kasi nila.. Pero OK sila lahat..
Yung mga 4th year OK din.. Cool ding kakwentuhan at hindi nawawala sa kanila na prof parin nila ako.. Si Dandreb makwento talaga.. Sina JC and Co. makulit lang, kaya lang kulang sila, absent si casbadillo.. Si Jules bagong gupit na parang kakapasok lang sa bilangguan.. Si Jac ganun parin, tahimik.. Sobra..
Haay its been a long day!
Mamimiss ko itong mondays ko..