Post Summer-Class
Tapos nanaman ang summer class at eto nanaman tayo, wala nanamang sweldo.. Last monday nagpasa ako ng grades for summer para sa dalawa kong subjects (com 1 at com4). May mga bumagsak din, hindi naman pwedeng walang bumagsak at imposible yun. Hindi kana papaniwalaan ng mga studyante mo kasi hindi ka naman nangbabagsak. Baka i-take for granted nalang nila ang subjects mo next time na maging instructor ka nila kasi alam naman nila na hindi ka nangbabagsak. Pero syempre before ko i-encode ang grades nila ay sinigurado ko na deserve talaga nila yun.
Sa comm4 ko, 2/21 at sa comm1, 5/35.. Ganun talaga.
Before ako umalis sa school kinausap ako ng department head ko tapos nasita daw ako ng dean naman.. Medyo mainit yata ang ulo. Bakit daw nka shorts ako? Bakit daw ganun ang suot ko? (Naka-short nga pala ako ng orange, yung surf-shorts ba, at naka t-shirt ng itim na may pulang lining) Ewan ko kung mali ba yung pagkakasoot ko, mali ba ang kulay o mali ang combination.. NAtakot tuloy ako..
Balik tayo sa issue.. Mabuti nalang eh may review ako kahit pangilan-ngilan lang.. Every friday habang wala pang klase. Sayang din yun!