Let's do the funk, Let's do the first day funk!!
Balik nanaman sa school! He he he he.. May sweldo nanaman. YAn ang hirap sa work namin. Kung walang turo, wala ring sweldo. Buti nalang may pasok na uli.
Thanks sa Dept. Head ko at maganda ang schedule na bigay nya sa akin.. Kahit na pang-hapon-gabi eh OK naman ang umaga. Sakto sa schedule na bibigay sa akin sa kabila.
Nagpunta ako sa other school ko (Lucio Tan Sch in Recto) nung tuesday (14June) para magreport. Hehehe.. Tinawagan at tinext pa ako ni sirDuwi para kausapin ako bout my load there. Binibigyan ako ng schedule ng M-W. OK naman. Pero ang schedule ko na ay from 730am-845pm kung saka-sakali.. Hindi kaya ma-overwork na ako nyan? Im planning nga to buy vitamins na uli para makaya ko yun pero hindi pa naman nagiging makatotohana kaya hindi muna.. Pag tuesday-thursday eh 12 ang start ng class ko..
Kanina pag gising ko medyo masama ang tagiliran ko, sa may bandang balakang. Mali yata ang pwesti ko sa pagtulog. Pumunta nanaman ako sa other school ko para i-ADHOC. Kailangan daw yun for formality. Natutuwa naman ako sa other school ko kasi parang specially-treated ako. Pakiramdam ko lang yun he he he.. Hindi naman talaga ako nag-demo kasi kilala na nila ako. Nagturo na ako ng 1 year sa caloocan campus nila eh.. So ang conclusion eh text nalang daw ako para malaman kung confirmed ang aking part-time load..
Pagkatapos ko dun eh, sugod naman ako sa main school ko. Wala pa daw checker kaya hindi kami pumunta sa room namin. Hindi ko na rin tinapos yung class ko kasi nga masakit tagiliran ko. Maaga ako nakauwi sa bahay, natulog ako..