Post-Summer Break
Three weeks vacation ito.. Kaso lang, alam nyo na, walang turo, walang sahod tayo kaya kailangan magtipid.. Buti nalang may review.
Anyway, lately ah may konting ubo-ubo ako, katulad na marami sa atin. Nagpapalit daw na panahon kaya ganun. Sa bahay namin tatlo kaming may ubo, ewan ko kung nagkahawaan pero parang ganun na nga..
Nagpunta ako ng school nung monday, hoping na ok na ang clearance ko. Nagtext pa sa akin yung secretary sa dean's office bandang umaga, dahil yung data bank ko daw na sinubmit nitong summer ay wala daw answer key. Eh di ako naman pumunta sa school at binigay ang sagot sa databank. May follow-up pa na paalala, na kulang pa daw ang binigay kong exam for completion sa dalawang lab subjects.. Eh di OK lang, ibibigay ko para hindi rin sila maipit kung ano man ang gagawin nila. Ang sa akin lang eh sana kung gaano ang response namin sa kailngan nila eh ganun din dapat sa amin..
GAnito kasi yun, wala pa nga daw kaming clearance dahil hindi kami nakapagpass ng DTR nung last pay period. Eh syempre parang imposible naman mangyari yun dahil aware naman kami na pag walang DTR eh walang sahod. At alam ko talaga na nakapag pasa ako.. Ang point ko lang eh sana nung maaga pa lang eh sinabi na nila na wala nga daw kaming DTR para atleast eh hindi kanmi nakatunganga at umaasa na may clearance na kmi samalntalang wala pa.. So nagpass ako ng bagong DTR nung monday. Aba, hanggang ngayun ay wala pa daw mga pirma?
Grrrrabee!!